Dizon Si MPD Director Brig. Gen. Andre P. Dizon habang nagbibigay mensahe sa mga kapulisan matapos ang turnover ceremony ng mga personnel ng Paco PCP para sa muli nilang pagsalang sa “Focused Reformation/ Reorientation and Moral Enhancement for Police” (FORM Police) Training. Kuha ni Jon-jon Reyes

17 pulis-Maynila sasailalim sa ‘retraining’

August 22, 2022 Jonjon Reyes 506 views

SASALANG ng 45 na araw na “retraining” ang 17 pulis habang ang tatlong kasamahan nila na sangkot sa pangongotong ay nananatili sa Camp Crame.

Nagbigay naman ng paalala si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon sa 17 tauhan ng Paco PCP (Police Community Precinct) na pansamantala munang maaalis sa pwesto o ma-relieve ang mga ito matapos madamay dahil sa ginawang umanong “pangongotong” ng tatlo nilang kasamahan.

Sa isinagawang turnover ceremony ng mga personnel ng Paco PCP para sa muli nilang pagsalang sa “Focused Reformation/ Reorientation and Moral Enhancement for Police” (FORM Police) Training, sinabi ni Dizon na magsilbi sanang “aral” ang nangyaring insidente sa ibang pulis ng Maynila.

Aniya, naniniwala siya na sa pamamagitan ng pag-retraining sa mga pulis ng Paco PCP MPD Station 5 ay mas lalo pa nilang magagawa ng “maayos” ang kanilang trabaho.

Dagdag pa ng MPD director, bilang “ama” ng kapulisan ng Lungsod Maynila ay huwag sanang “sumama” ang kanilang loob dahil ang hakbang na kaniyang ginawa ay bahagi ng “internal cleansing” na ipinapatupad ng Philippine National Police (PNP).

Batid niya na nadamay sila sa nangyari pero hindi ito sapat na dahilan para palagpasin ang pagkakamali at aminado siya na malaking hamon ito lalo na’t nangyari ang insidente sa kanyang pagkakaupo bilang hepe ng MPD.

AUTHOR PROFILE