Default Thumbnail

17 anyos hinalay ni tatay

May 30, 2022 Gil Aman 331 views

ARESTADO ang isang tatay dahil umano sa panghahalay sa kanyang 17-anyos na anak ng ilang beses sa Bacolod City, Mandaluyong at sa kanilang tahanan sa Purok 5 , Bgy. Butong, Cabuyao City, Laguna.

Ang suspek ay nasa Cabuyao Police station matapos itong arestuhin dakong alas 7:20 p.m.

Ang biktima ay una umanong hinalay ng sila ay nakatira pa sa Bacolod City, nang lumipat sila sa Mandaluyong City at sa kanilang tinirhan ang Cabuyao City.

Dagdag pa ng biktima na nakaranas ito ng pagsusuka na senyales na ito ay buntis kung kaya’t sa pamamagitan ng kanyang kaanak nang magsumbong na ito sa kabila ng pananakot ng suspek.

Ang nagrespondeng barangay tanod naman ang nagsama sa suspek sa pulisya na agad ipinagharap ng reklamo sa piskalya ng Cabuyao City.

AUTHOR PROFILE