Default Thumbnail

16 anyos na kelot tiklo sa lascivious conduct

December 10, 2023 Steve A. Gosuico 254 views

SAN LEONARDO, Nueva Ecija–Timbog ang 16-anyos na binatilyo dahil sa lascivious conduct noong Biyernes sa bayang ito

Sinabi ni Major Arnel Aguilar, hepe ng pulisya, taga Brgy. Tambo Adorable ang naarestong si alyas Acio.

Hinuli siya ng mga pulis sa kanyang hideout alas-3:40 ng hapon.

Inaresto si Acio sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Gapan City Regional Trial Court Branch 36 dahil sa lascivious conduct sa ilalim ng Section 5 (b) ng Republic Act 7610.

May inirekomendang P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE