Default Thumbnail

150 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Baseco

February 17, 2023 Jonjon Reyes 459 views

TINATAYANG nasa 150 pamilya ang nawalan ng mga tirahan sa isang sunog sa Baseco Community, Biyernes ng hapon sa Port Area, Maynila

Mabilis naman rumesponde ang mga tauhan ng Manila Fire Department ng Burea of Fire Protection (BFP) katuwang ang Manila Police District (MPD) na nagbigay asiste para maiwasan ang gulo at pananamantala sa gitna ng insidente at pag-aapula ng apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, pasado 1:10 ng hapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa likod ng Tanker 4 Block 8 ng naturang lugar.

Batay sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy dulot ng mga kabahayang gawa sa light materials at dahil na rin sa malakas na hangin.

Inatasan ni Borbe ang mga tauhan nito sa lugar para sa kaligtasan ng mga residente at pagpigil na rin sa masasamang elementong maaaring manamantala sa sitwasyon.

Sa ulat ng BFP, idineklarang fire out ang sunog bandang 3:19 ng hapon (Pebrero 17).

May nabalitaan na may dalawang bata ang nawawala umano sa gitna ng sunog ngunit namataan din ang mga ito sa magkahiwalay na lokasyon.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog at inaalam ng Arson Division kung magkano ang halaga ng pinsala at pinagmulan ng nito.

AUTHOR PROFILE