Dizon Pormal ng binasbasan ni MPD Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang may 150 mountain bikes sa MPD Headquarters kasama si MPD Chief Andre P. Dizon. Kuha ni Jon-jon Reyes

150 mountain bikes na donasyon sa MPD para sa patrol ops, binasbasan

February 2, 2023 Jonjon Reyes 353 views

BINASBASAN ni Manila Police District (MPD) Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang may 150 mountain bikes sa loob ng quadrangle ng MPD Headquarters, United Nations Avenue, Ermita, Maynila Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), habang binabasbasan ang mga mountain bike kasama si MPD Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon; P/Col. Raul Tacaca, Deputy District Director for Administration; P/Col. Dario Menor, Deputy District Director for Operation; Chief District Directorial Staff P/Col. Julius Cecil Ordoño, at P/Col. Igmedio Bernaldez ng District Logistic Division pasado alas 4:05 ng hapon, Pebrero 1.

Pinasalamatan naman ni Dizon ang pagkakaloob ng 100 mountain bikes mula sa Association Police Officer’s Lateral Entry (APOLE) sa pangunguna ni PLt. Col. Rosalino Ibay Jr., pangulo ng nasabing samahan.

Samantala ang 50 mountain bikes naman ay ipinagkaloob naman ng Chinese community sa pangunguna ni Retired P/Major Gen. Roberto “Boysie” Rosales na siyang dating MPD director upang dagdagan ang mga kagamitan ng mga pulis Maynila.

Nabatid sa tinaguriang “The Game Changer” na heneral ng MPD na ang mga donasyon ay ipagkakaloob sa 14 police stations.

Gagamitin ng mga kagawad ng MPD ang mga nasabing bisikleta sa pagpapatrol sa kanilang nasasakupan, umikot sa mga paaralan, at mabilis na pagresponde sa mga makikitid na lugar sa Maynila.

“Seguridad ang kailangan ng bawat indibidwal para magbantay ang kapulisan 24/7,” pahayag pa ni Dizon.

AUTHOR PROFILE