MCJ

141 preso pinalaya sa MCJ

December 8, 2023 Jonjon Reyes 157 views

PINALAYA ng Manila City Jail (MCJ) ang 141 preso o Persons Deprived of Liberty (PDL) noong nakaraang Sabado bilang Pamaskong handog.

Ayon kay Jail Supt. Lino Soriano, warden ng Manila City Jail Male Dormitory, bandang 2:00 ng hapon nang sabay sabay na pinalaya ang mga inmate bilang bahagi ng kanilang “Project Layang Inaasam sa napapanahong Okasyon.”

Naglalayon ang libreng pagpapalaya na mabawasan ang mga nakapiit sa kulungan kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng birheng Immaculada Concepcion.

Dagdag ni Supt. Soriano, dahil Sa Good Conduct Time Allowance ( GCTA), Time Allowance for Study, Teaching and Mentoring (TASTM), mga nadismiss ang kaso at mga napagsilbihan na ang sentensya ang mga mapapalaya.

May kaugnayan din ang pagpapalaya sa National Jail Decongestion Summit na naglalayong maresolba ang problema sa mga sobra- sobra at nagsisiksikang mga kulungan.

AUTHOR PROFILE