PCG

14 tripulante nailigtas sa sumadsad na cargo vessel

September 3, 2023 Zaida I. Delos Reyes 288 views

LABING -APAT na tripulante ang nailigtas matapos na sumadsad ang cargo vessel na sinasakyan ng mga ito sa Paluan , Occidental Mindoro nitong Biyernes ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga tripulante ay lulan ng MV JOEGIE 5 na may kargang 30,000 sako ng semento.

Sinabi ng kapitan ng barko na si Arnie Alberto, naganap ang insidente dakong 2:00 ng madaling araw.

Patungo sana ang barko sa Sablayan, Occidental Mindoro mula sa Bauan , Batangas nang hampasin ang mga ito ng malalakas na alon.

Dahil sa insidente, sumadsad ang barko sa mababaw na bahagi ng dagat.

Agad namang iniutos ng PCG na alisin ang may 15,000 litro ng diesel sa fuel tank ng barko upang maiwasan ang pagkakaroon ng oil spill sa lugar.