Chinese

13 Chinese nat’ls tiklo ng BI sa illegal mining sa E. Samar

November 3, 2024 Jun I. Legaspi 84 views

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 13 Chinese national dahil sa illegal mining sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Inaresto ang 13 sa pakikipag-ugnayan ng Intelligence Division (ID) ng BI sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay BI-ID Chief Fortunato Manahan, Jr., natuklasan ang mga dayuhang manggagawa sa dalawang magkahiwalay na mining site sa isla.

Nabatid na 11 sa mga naaresto ang may working visa pero napag-alamang nagtatrabaho sa ibang kumpanya na paglabag sa mga kondisyon sa working visa.

Isang sa kanila ang may retiree’s visa, habang ang isa overstaying alien.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pangangailangang ipatupad ang mga batas sa imigrasyon sa mga lugar na ito.

Nasa kustodiya ng PAOCC ang mga naaresto habang sinimulan na ng BI ang proseso ng deportasyon.

AUTHOR PROFILE