13-anyos tinodas ng ‘ka-eyeball’

February 9, 2022 Jonjon Reyes 124 views

HINIHINALANG ka-eyeball ang bumaril sa isang 13-anyos na binatilyo dito sa Mel Lopez,Boulevard,Tondo,Manila, makaraang matagpuan ang bangkay nito Miyerkules, Pebrero 9, ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Zyvel Geronimo, ng 1868 Tioco St.,Tondo,Maynila.

Ayon sa ulat na isinimite ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section kay MPD- Director Leo ‘” Paco” Francisco, bandang 5:10 a.m. nang matagpuang patay ang biktima na may tama ng bala sa ulo at sa katawan.

Isang testigong na 10-taong gulang na lalaki ang umano ‘y nakita ang biktima na nakatayo sa center island na parang may hinihintay. Maya-maya ay dumating ang suspek na inilarawan na may taas 5’4 hanggang 5’7, katamtaman ang pangangatawan,nakasuot ng itim na sweatshirt na hoodie,naka shorts at naka face mask.

Paglapit sa biktima kaagad bumunot ng baril ang suspek at sunod sunod na pinaputukan si Geronimo na nakatakbo pa ng ilang metro bago bumagsak sa kalsada.

Tumakas ang suspek patungong Happy Land,Tondo.

Narekober sa biktima ang isang patalim at cellphone na ang screen picture ay di tumutugma sa kanyang larawan.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen. Jon-jon Reyes & C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE