13-anyos na lalaki nilamon malaking ng alon sa Malabo

September 13, 2021 Edd Reyes 239 views

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang paglalangoy ng mga magkakaibigang menor-de-edad sa Tullahan River nang hindi na lumutang ang 13-anyos na batang lalaki matapos tumalon Linggo ng hapon sa Malabon City.

Tinangka pa ng kanyang mga kaibigan na sagipin ang 13-anyos na biktimang itinago muna sa pangalang Vincent, residente ng Sitio Dumpsite, Brgy. Catmon subalit sa lakas ng agos ay tinangay na sa ilalim ang biktima.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, niyakag ng biktima ang dalawa niyang kaibigan na edad 14 at siyam na taong gulang na maligo sa naturang ilog dakong alas-3 ng hapon.

Pagsapit sa lugar, naghubad kaagad ng damit si Vincent at tumalon sa ilog subalit hindi pa nagtagal ay narinig ng dalawa ang paghingi ng tulong ng kaibigan kaya’t tinangka nilang sagipin ang biktima subalit mabilis na nilamon ng malakas na agos.

Nang makarating sa kaalaman ni Malabon City police deputy chief P/Lt. Col. Rhoderick Juan ang insidente, humingi kaagad ng ayuda ang pulisya sa Rescue Team ng Philippine Coast Guard na gumalugad at sumisid sa ilog subalit bigo silang mahanap ang bata.

Ayon kay Lt. Col. Juan, dakong alas-8:55 ng gabi ng tumigil ang Rescue Team sa paghahanap bunga ng kakapusan ng supply ng oxygen bagama’t nakatakdang hanapin muli Lunes ng umaga ang biktima.

AUTHOR PROFILE