125th Malasakit Center opens in Siargao Island
IN his visit to Siargao Island, Senator Christopher “Bong” Go attended the launch of the country’s 125th Malasakit Center. He cited that this is a big step towards improving access to public health services in far-flung communities.
The newest Malasakit center was established at the Siargao District Hospital, which has recently been upgraded and converted into the Siargao Island Medical Center with the enactment of a law that Go sponsored in the Senate last year.
“Sinabi ko talaga na pupunta ako dito sa Dapa (town) para mabuksan at magamit na ng mga pasyente, lalo na ng mga nangangailangan ng tulong, ang Malasakit Center na ito,” Go began in his remarks.
The new Malasakit Center is the second in the province and third in the Caraga region, after the Caraga Regional Hospital in Surigao City and Butuan Medical Center in Butuan City, Surigao del Sur.
In his message, the Senator lamented that many Filipino patients do not have health insurance coverage and are often left to pay for their medical bills. With the launching, Go said that this will help patients get the treatments and medications they need without worrying about the costs since medical assistance from the government will be conveniently available for them in the Malasakit Centers to cover for their hospital and medical related bills.
The Malasakit Center brings together under its roof the medical assistance programs offered by the Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office.
“Lapitan niyo lang ang Malasakit Center at tutulungan kayo ng mga ahensya para wala na kayong babayaran sa ospital. Kung may balanseng naiwan, may pondong iniwan din si Pangulong Rodrigo Duterte para kung kaya ay maging ‘zero balance’ ang billing niyo. Kung kailangan niyo ng tulong, gaya ng pamasahe, pwede kayong lumapit sa DSWD rin dito,” explained Go.
The Malasakit Centers program was institutionalized under Republic Act No. 11463, also known as the Malasakit Centers Act of 2019. Go principally authored and sponsored the bill in the Senate prior to President Rodrigo Duterte signing it into law in December 2019.
“So far, we have assisted around two million … wala itong pinipili na pasyente. Para ito sa mga Pilipino lalo na sa mga poor at indigent patients,” continued Go.
“Sa mga helpless, hopeless at walang matakbuhan, dito kayo pumunta sa Malasakit Center dahil para ito sa inyo. Kapag hindi kayo tinulungan, sabihin niyo ‘hoy, Pilipino ako. Karapatan ko ito’,” he added, stressing that the Malasakit Centers are for all Filipinos.
As Chair of the Senate Committee on Health, Go vowed to work together with local leaders to improve public health services in the island. In 2020, Go sponsored a bill which later became Republic Act No. 11500. The law, which Rep. Bingo Matugas authored, sought to upgrade the capabilities of the Siargao District Hospital and rename it into the Siargao Island Medical Center. This also increases the hospital’s bed capacity from 50 to 100 beds and places it under the supervision of the DOH. It also directs the upgrading of its professional healthcare services and facilities and authorizes the increase of its medical personnel.
“Dumaan ako sa butas ng karayom para ipaglaban ang mga batas para i-upgrade ang mga pampublikong ospital natin dahil alam ko ang mga mahihirap ang makikinabang dito. Minsan may mga ospital na umaabot ng 400% ang occupancy rate. Sa isang kama, may apat na pasyente. Paano sila gagaling kung ganyan ang sitwasyon?” asked Go.
“Hindi ako ‘yung klase na pulitiko na mangangako ng hindi ko kaya gawin. Pero makakaasa kayo na magseserbisyo ako sa abot ng aking makakaya. Sa mga doctors, nurses at iba pang frontliners dito, ‘wag kayong mag-alala dahil ipaglalaban ko kayo,” he reiterated.
The Senator’s team handed out meals, food packs, vitamins, masks and face shields to a total of 115 frontline health workers after the ceremony. Selected beneficiaries were given bicycles while others received pairs of shoes. Some also received computer tablets for their children’s education.
The DSWD also provided qualified rank-and-file hospital employees with financial assistance in a separate distribution. Similar aid was likewise extended to 25 indigent patients.
“Kung kailangan niyo ng tulong para magpagamot sa Maynila …hindi niyo na kailangan mag-alala sa gastusin. Gagawin namin ang lahat maka-salba ng buhay. Tutulungan namin kayo, lalo na ang mga sa far-flung areas, gaya ng Siargao Island, kung saan nakahiwalay ang lugar at mahirap mag-avail ng medical services,” said Go.
TAGALOG VERSION
Pang-125 binuksan sa Siargao Island…
‘MGA HELPLESS, HOPELESS LUMAPIT KAYO SA MALASAKIT CENTER’–BONG GO
HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga walang matakbuhan, walang makapitan at nawawalan ng pag-asa dahil sa malaking bayarin o gastusin sa ospital na lumapit lang sa Malasakit Center upang sila ay mapagsilbihan at matulungan ng pamahalaan.
“Lapitan niyo lang ang Malasakit Center at tutulungan kayo ng mga ahensya para wala na kayong babayaran sa ospital,” ayon kay Sen. Go matapos pangunahan ang pagbubukas ng ika-125 Malasakit Center sa Siargao District Hospital na ngayo’y tatawagin nang Siargao Island Medical Center matapos maisabatas ang inisponsorang panukala ng senador sa Senado noong nakaraang taon.
Itinuturing ito na malaking hakbang sa ginagawang pagsasaayos ni Bong Go na magkaroon ng access ang mga Filipino na nasa mga liblib na lugar sa serbisyong pangkalusugan.
“May pondong iniwan din si Pangulong Rodrigo Duterte para kung kaya ay maging ‘zero balance’ ang billing niyo. Kung kailangan niyo ng tulong, gaya ng pamasahe, pwede kayong lumapit sa DSWD rin dito,” ayon kay Go.
Ang Malasakit Centers program ay naging isa nang institusyon sa ilalim ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019 na pangunahing iniakda ni Senator Go. Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas noong December 2019.
“So far, we have assisted around two million … wala itong pinipili na pasyente. Para ito sa mga Pilipino lalo na sa mga poor at indigent patients,” anang senador.
“Sa mga helpless, hopeless at walang matakbuhan, dito kayo pumunta sa Malasakit Center dahil para ito sa inyo. Kapag hindi kayo tinulungan, sabihin niyo ‘hoy, Pilipino ako. Karapatan ko ito’,” idiniin ni Go.
“Sinabi ko talaga na pupunta ako dito sa Dapa (town) para mabuksan at magamit na ng mga pasyente, lalo na ng mga nangangailangan ng tulong, ang Malasakit Center na ito,” aniya.
Ang pang-125 Malasakit Center ay pangalawa sa probinsiya at ikatlo sa Caraga region, kasunod ng nasa Caraga Regional Hospital sa Surigao City at sa Butuan Medical Center sa Butuan City, Surigao del Sur.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na maraming pasyenteng Filipino na walang health insurance coverage ang kalimitang nagiging kaawa-awa dahil walang pambayad sa kanilang medical bills.
Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng Malasakit Center ay natutulungan ang mga pasyente sa kanilang pagpapagamot at medikasyon nang wala nang aalalahanin dahil sasaluhin na ito ng pamahalaan.
Pinagsama-sama ng Malasakit Center sa iisang bubong ang mga ahensiya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office na pawang may programa sa pagbibigay ng medical at financial assistance sa lahat ng Filipino na nangangailangan.
Bukod sa Malasakit Center, si Sen. Go rin ang nagsulong at nagpursige na maisabatas ang pagpapabuti sa mga gamit o kapabilidad ng mga pampublikong ospital.
“Dumaan ako sa butas ng karayom para ipaglaban ang mga batas para i-upgrade ang mga pampublikong ospital natin dahil alam ko ang mga mahihirap ang makikinabang dito. Minsan may mga ospital na umaabot ng 400% ang occupancy rate. Sa isang kama, may apat na pasyente. Paano sila gagaling kung ganyan ang sitwasyon?”
“Hindi ako ‘yung klase na pulitiko na mangangako ng hindi ko kaya gawin. Pero makakaasa kayo na magseserbisyo ako sa abot ng aking makakaya. Sa mga doctors, nurses at iba pang frontliners dito, ‘wag kayong mag-alala dahil ipaglalaban ko kayo,” ayon sa mambabatas.
Biglang lumitaw para mangwasak
MOTIBO NI TRILLANES SA 2022, IBINUKING NI BONG GO
Kilala na sa pag-iimbentro ng black propaganda laban sa mga katunggali, ibinuking ni Senator Christopher “Bong” Go si dating Senator Antonio Trillanes IV na gumagawa na naman ng ‘dirty tactics’ dahil malapit na naman ang eleksyon.
“Alam nyo po, si Trillanes po ang totoong Bikoy… napatunayan naman natin na papunta na po sa eleksyon, lilitaw na itong si Trillanes at pipinturahan niya ng dumi… pipinturahan niya kami ng itim para po siya magmukhang puti at magmukhang malinis,” ayon kay Go.
“Pero hubaran nyo po… ang kaniyang kaluluwa, doon nyo po makikita iyong dumi ng isang Sonny Boy alyas Bikoy Trillanes. Siya po yun, so ano pa ba ang bago? Pag lumitaw si Trillanes tuwing eleksyon, iyan na po, iyan ay paninira lamang,” idinagdag niya.
Tinukoy ni Go ang Bikoy videos na nagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Duterte sa sindikato ng droga.
Si Trillanes, kasama ng 11 pa ay kinasuhan ng Department of Justice ng “conspiracy to commit sedition” kaugnay ng nasabing mga video.
“Wala na pong bago diyan — paninira, imbento at wala na po siyang ibang masabi kundi puro po fabricated. Eh sa totoo lang po, magtanong na lang kayo kung sino iyong totoong korap, noon pa hanggang ngayon, hayaan na po natin ang Pilipino na humusga,” sabi ni Go.
Sinabi niya na ang smear campaign ni Trillanes noong 2019 polls laban sa kanya ay nag-backfire lamang sa dating senador nang mahalal pa siya sa Senado.
“Anong nangyari sa paninira mo (Trillanes)? Kita mo naging senador pa nga ako. Baka sa susunod mong paninira, hindi ko alam anong susunod na naman… Ginawa mo akong senador noon sa paninira mo,” ani Go.
Ayon sa senador, dapat ay mag-ingat na ang mga Filipino sa mga ginagawang maruming taktika ni Trillanes.
“Hayaan na natin ang Pilipinong humusga kung sinong nagsasabi ng totoo. Alam ng Pilipino, malinis po ang saloobin (namin ni Pangulong Duterte) at alam ng Pilipino kung sinong maduming budhi,” ayon kay Go.
Tiniyak ni Go na sila ni Pangulong Duterte ay hindi tumitigil upang masugpo ang mga katiwalian sa pamahalaan.
“Alam naman ni Trillanes na hindi kami titigil ni Pangulong Duterte hanggang sa huling araw ng aming termino ay lalabanan namin ang korapsyon sa gobyerno. Ako po, five years na ako nasa (national) gobyerno diyan sa Maynila, di po kami pumapasok sa korapsyon. Kung meron pong makakapagpatunay niyan ay aalis ho kami sa gobyerno,” ang hamon ng senador.
Hinimok niya ang mga Filipino na lumapit lamang sa kanya at sa Pangulo kung may nalalaman na anomalya at agad nila itong aaksyonan upang mabuwag.
“Magtiwala po kayo kay Pangulong Duterte, isumbong nyo po sa amin. Eh kung di nyo po isusumbong, di nyo po kami tinutulungan, paano po natin susugpuin ang korapsyon,” anang senador.