Default Thumbnail

12 pasahero sugatan sa tumagilid na jeep

September 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 239 views

LABINGDALAWA katao ang nasugatan nang tumaob ang sinasakyan nilang jeep sa Zamboanga City.

Nakilala ang mga biktima na sina Lino Adjud Karil, 46, driver; Ferlyn Gloria, 14; Chesla Unsing, 14; Rhea Vidal, 17; Jasmin Gabual, 17; Kathlenne Hermo, 18; Nurmina Sara, 23; Analene Abduhalim, 23; Ligaya delos Reyes, 19; Giselle Joy Espinosa, 19; Mohammad Ramar J. Ismail, 20; at Sara Jeane Legardo, 41.

Batay sa report ng Zamboanga City Police, mabilis na binabaybay ng jeep ang San Jose Limpapa highway sa Barangay Upper Calarian nang maganap ang insidente.

Tinangka umano ng driver na magmaniobra sa kabilang linya ng highay para iwasan ang kasalubong na motorsiklo pero tumagilid ito sa kaliwang bahagi at tuluyang tumaob.