Default Thumbnail

12 naglalaro ng poker pusoy sa pulis, arestado

September 18, 2023 Gil Aman 299 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Inaresto ng mga pulis ang 12 katao na naglalaro ng poker sa siyudad na ito Sabado ng madaling araw.

Natimbog ang 12 sa isang joint operation ng San Pablo Provincial Special Operation Unit (PSOU).

Kinilala ni PCol. Harold Depositar, officer-in-charge ng Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas Jovent, Eugenio, Joan, Ronald, John, Francis, Edwin, Robin, Joel, Jaybee, Francois at Jopet.

Ayon kay PLt. Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police, nahuli ang 12 nang magkasa ang kanilang operatiba ng anti-illegal gambling operation kasama ang mga tauhan ng PSOU dakong 1:20 ng madaling araw noong Sabado sa Barangay San Gabriel, San Pablo City, Laguna.

Nakumpiska sa mga suspek ang poker table, isang set ng baraha, dealer button, all in button, dalawang notebook, poker chips at P10,200.

Ayon kay Depositar: “Seryoso ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga police operation lalong-lalo na laban sa mga gumagawa ng mga iligal gaya ng mga pasugalan.”

AUTHOR PROFILE