11 todas sa sunog sa Binondo
LABING-ISA ang namatay sa mala-impyernong sunog na nagmula sa sumabog na liquefied petroleum gas sa canteen sa residential building sa Carvajal St., Binondo noong Biyernes.
Pasado alas-10:03 ng idineklarang fire out ang sunog ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot lang sa ikalawang alarma.
Pasado alas-12:00 ng tanghali nang isa-isang ilabas ang 11 mga labi na biktima sa sunog sa pangunguna ng mga pulis ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ng MPD-Binondo-Meisic- police station 11.
Ayon sa panayam sa landlord na si Nori Minete, kasama sa nasawi ang kanyang asawa, dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), isang empleyado ng bangko at Eng Bee Tin at ang iba’y empleyado ni Manite sa kanyang karinderya.
Ayon sa mga tao sa lugar, agad na umakyat sa ikalawang palapag ang sunog nang sumabog ang tangke ng LPG sa canteen na nasa unang palapag.
Tyempo namang wala sa gusali si Minete dahil namalengke siya para sa kanilang canteen.