Discaya

11-storey ‘smart housing’ priority project ng Team Sarah — Discaya

March 17, 2025 People's Tonight 247 views

ANG -isang bahay ay hindi magiging isang tahanan kung walang mo matatag na kabuhayan ang mga nanunuluyan,”pahayag ni Pasig mayoral aspirant Sarah Discaya.

Ayon kay Discaya na, kilala sa Pasig bilang Ate Sarah, ang pagbibigay ng pabahay nang walang kasamang suporta para sa matatag na kabuhayan ay hindi umano magtatagumpay at makabubuhay sa mga awardee.

Kanyang nilinaw na ang kanyang pangarap na “smart housing” para sa kababayang Pasigueños ay nakapaloob sa priority programs ng hinahangad niyang “smart city.”

Kanya rin sinabi na kasama sa plano ng “smart housing” ng Team Sarah ang pangmatagalan na kabuhayan para sa beneficiaries.

“Giving them roof without jobs or economic opportunities for their daily sustenance will make their lives harder,” paliwanag niya.

Binigyang diin niya na ang pasanin ng pagbabayad ng mga singil sa kuryente at tubig, pati na rin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa lungsod ay karamihan sa mga laging iniisip ng mga Pasigueño.

Sa isang panayam, sinabi ni Discaya na may karapatan ang mga Pasigueño sa kumpletong programa mula sa gobyerno kung saan sila ay maaaring turuan kung paano mabuhay sa kanilang sariling paa imbes na basta ibibigay ang isang plano ng pabahay nang walang pangmatagalang suporta.

“The cost of health maintenance and education for children may entitle a family to own a house, but it doesn’t make a home,” dagdag pa ni Discaya.

Nagbabala siya na kung walang komprehensibong plano sa pabahay at kabuhayan, ang mga Pasigueño ay “maiiwan upang malunod mag-isa.”

Isa sa mga pangunahing plataporma ni Discaya, kung sakaling siya ay maihalal, ay ang pagtatayo ng 11-palapag na proyekto na pabahay para sa mga Pasigueño. Binanggit niya ang kahalagahan ng ganitong proyekto, lalo na’t ang Pasig ay isang lugar na madalas bahain.

Ang nasabing proyekto ay planong itayo malapit sa mga komersyal na lugar, na inaasahan ni Discaya na makatutulong sa pagbabalanse at pagtugon ng mga Pasigueño sa kanilang pangangailangan sa tahanan at kabuhayan.

Dahil sa kanyang karanasan bilang isang builder, nauunawaan ni Discaya ang mga hamon sa pabahay sa Pasig, kung saan ang limitadong espasyo ay nagpapahirap sa malalaking proyekto ng pabahay.

Bilang karagdagan sa pabahay, itinataguyod din ni Discaya ang pagpapatayo ng waste facility, na pinaniniwalaan niyang makatutulong sa paglutas ng problema sa pagbaha sa lungsod kapag nagsimula ang tag-ulan.

AUTHOR PROFILE