Default Thumbnail

11 pulis sugatan sa bumaliktad na service vehicle sa NegOcc

November 29, 2022 Zaida I. Delos Reyes 209 views

LABING-isang pulis ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyang service vehicle habang nagpapatrolya nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 28, 2022 sa Negros Occidental.

Ang mga biktimang isinugod sa pagamutan ay nakilalang sina Patrolmen Jerome Tolentino, Joey Bana-ag, Eric Abela, Bryan Ambaja, Jared King Dadivas, at Immam James Apucay, Corporals Mark Jil Salazar, John Arevalo, Regie Tacdoro, Noriel Vergara, at Kenneth Valiao.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong 11:00 ng umaga sa kahabaan ng Barangay Caningay, Candoni, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng “routine road patrol” ang mga biktima nang aksidenteng bumaliktad ang kanilang sinasakyan habang lumiliko sa naturang daan.

Dinala ang mga biktima sa Candoni Rural Health Unit at agad na inilipat sa Holy Mother of Mercy Hospital sa Kabankalan City.

Ayon kay Lt. Judesses Catalogo, public information officer ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO), bago maggabi ay pinauwi na rin ang mga biktima matapos mabigyan ng paunang lunas ang kanilang mga sugat sa katawan.

“As of last night, they were declared as outpatients after undergoing tests. They only had minor injuries. They have already returned to their respective units,” paliwanag ni Catalogo.