Wedding MASS WEDDING–Nanguna si Mayor Kokoy Salvador sa kasalang bayan sa San Jose City sa city hall courtyard noong Valentine’s Day. Dumalo sa okasyon si Nueva Ecija Vice Gov. Emmanuel Antonio Umali.

102 couples nag-‘I do’ sa mass wedding sa San Jose City

February 18, 2024 Steve A. Gosuico 206 views

SAN JOSE CITY–Sabay-sabay nag-‘I do’ ang 102 na mag-jowa noong Valentine’s Day sa kasalang bayan dito na pinangunahan ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador.

Binati ni Salvador ang mga bagong kasal at pinayuhan silang huwag magsawa sa isa’t-isa at laging unahin ang Panginoong Diyos sa lahat.

Dumalo si Nueva Ecija Vice Gov. Emmanuel Antonio M. Umali sa mass wedding at nagpa-abot ng best wishes sa lahat ng ikinasal.

Ayon sa pulitiko, “sacred vow until death” at “regalo mula sa mahal na Panginoon” ang kasal.

Dumalo rin sa okasyon ang asawa ng alkalde na si Veronica “Viring” G. Salvador, anak na si Vice Mayor Alexis “Ali” G. Salvador, Board Member Ferdinand “Dindo” Dysico at mga miyembro ng konseho ng lungsod.

Sinabi ng binatang bise alkalde na “gintong pagkakataon” ang mass wedding.

Pagkatapos ng kasal, libre din ang reception na itinaguyod ng pamahalaang lungsod sa city social circle para sa mga bagong kasal at kanilang mga bisita.

May napili bilang “Sweetest Couple” na sina Mr. and Mrs. Eastmark/Asea Casim, “Oldest Couple” (Mr. and Mrs. Rogelio-63/Marilou Cardenas-50) at “Early Birds” (Mr. and Mrs. Roderick/Gloria Dela Cruz).”

AUTHOR PROFILE