Dizon

100 days ni MPD chief Dizon may MKK+K

November 24, 2022 Jonjon Reyes 99 views
Lacuna
Makikita si MPD Director Police Brig. Gen.Andre P. Dizon na nagbibigay ng pahayag sa isang command conference na isinagawa sa MPD Headquarters. Sa isang laraway ay nagpapahayag si General Dizon ng buong suporta sa Kalinga sa Maynila nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto.

3 pulis na nahuling tulog pinangaralan, inilipat

TATLONG pulis na naka-assign sa Lawton Police Community Precinct ang naabutan na nakaidlip sa loob ng nasabing PCP ni Manila Police District- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon matapos ang sorpresang pagbisita Martes ng madaling araw.

Hindi naman sinibak o sinuspinde sa tungkulin ang 3 pulis, bagkus pinangaralan na lamang at inilipat sa ibang presinto.

Nauunawaan ng butihing heneral ang kalagayan ng tatlong pulis kung kaya’t inilipat na lamang sila mula sa Ermita Police Station-5 na sakop ang Lawton PCP.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office ( PIO) dalawang may ranggong sarhento at isang patrolman ang naaktuhang naka-idlip at nagpapahinga sa loob ng nasabing PCP Police Community ni Gen. Dizon.

Ayon kay Gen. Dizon, madalas ang pagpapaalala nito sa kanyang mga tauhan na palakasin ang presensya sa lansangan lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Nais din ng heneral na pairalin ang naging direktiba nito ukol sa pagsagawa ng “Simultaneuos Anti- Criminality Law Enforcement Operation” kasama ang programa ni NCRPO Acting Chief, PBGen. Jonnel Estomo ukol sa Seen Appreciated and Felt Extraordinary for Police Officers( SAFE).

“Kapag duty duty! Kailangan nating maging alerto ngayong papalapit na ang kapaskuhan lalo na sa oras ng gabi dahil diyan posibleng umatake ang mga kriminal at mapagsamantala na posibleng gumawa ng krimen sa kalsada” pahayag ni Gen.Dizon.

Ayon naman kay General Estomo, “habang tulog ang ating mga Kababayan dapat ang mga Pulis ay gising na nagbabantay sa lansangan!”

Nabatid na mula nang manungkulan bilang District Director si General Dizon, nakaugalian na nito ang mag-ikot sa kanyang Area Of Responsibility (AOR). Sa umaga au lulan siya ng biseklita at kapag oras ng rush hour ay naka-motorsiklo siya kasama ang kanyang mga tauhan mula sa “Tactical Motorcycle Riding Unit ” (TMRU), SWAT at mobile patrol.

Sa ulat pa ni Major Ines, sa ginawang spot inspection and correction ng butihing Heneral, aabot sa 50 miyembro ng ibat-ibang presinto ang binalasa at sumailalim sa first offense nang makitaan ng pagkukulang sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

“Naka 100 days na po tayo dito sa MPD pero may mga nahuhuli pa rin tayong tulog. Minsan talaga aabutin rin ng antok kaya we have a two-strike policy na atin po inilatag sa ating kapulisan. Pero kapag nakitaan ulit ng pagkukulang o pagkakamali sa pagtupad ng tungkulin ay atin nang papatawan ng karampatang parusa na makakaapekto rin sa kani-kanilang mga pamilya!,”ayon pa kay Dizon.

Nabatid pa dito, na sa unang offense ng Pulis Maynila ay binabalasa muna nito o inililipat sa ibang prisinto bilang “fair warning” upang hindi masampahan ng kasong administratibo na makakaapekto sa kanilang suweldo at bonus lalo na ngayong kapaskuhan.

“Salary forfeiture, mawawala rin ang bonus nila pag nakasuhan sila na makakaapekto pati sa pamilya ng Pulis, Kawawa rin kaya’t two strike policy tayo. Pero kapag naulit eh pasensyahan na tayo!” Pagtatapos sa naging pahayag ng magiting na heneral ng MPD.

Hindi naman umano nagpapabaya si Police Lt. Col.Leandro Gutierrez, commander ng MPD- Ermita Police Station-5, sa kanyang mga tauhan na higpitan ang pagbabantay para sa seguridad ng bawat mamamayan lalo na ang mga batang Maynila .

AUTHOR PROFILE