10 persons of interest sa UP Diliman ‘sex case’
SAMPUNG katao ang itinuturing na persons of interest sa tangkang panghahalay sa isang estudiyante sa loob ng University of the Philippines Diliman campus sa Quezon City.
Ito ang inihayag ni Quezon City Police District (QCPD)Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III sa isang press briefing nitong Miyerkules.
“They have around 10 people na persons of interest. Yung iba doon ay loob ng UP at yung iba ay sa labas ng UP,” pahayag ni Torre.
Sa pahayag ng biktima, dakong 11 p.m. noong July 1 ay naglalakad siya sa Ylanan street pangungong Commonwealth avenue nang lapitan at itulak siya ng suspect sa gilid ng kalsada. Armado umano ng patalim ang suspect.
Nanlaban umano ang biktima at lumikha ng ingay upang makuha ang atensyon ng mga naglalakad sa lugar dahilan upang tumakas ang suspect.
Sinabi ni Torre na na-review na nila ang ilan sa CCTV footage sa lugar na makakatulong upang makilala ang suspect.
Nauna nang sinabi ni UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II na hinigpitan na nila ang seguridad sa lugar matapos ang insidente.
“The UPD administration has been working with police authorities for the immediate apprehension of the suspect and closely coordinating with the survivor to provide all necessary assistance,” pahayag ng UP Diliman Chancellor.
Pinaalalahanan din niya ang bawat isa na maging alerto at iulat ang anomang kahina-hinala sa mga pulis.
Kaugnay nito , binuhay ng Chancellor ng unibersidad ang kanilang apela na paglalagay ng security cameras sa paligid ng campus.
Giit ni Vistan, bagamat inaasahan na nila na may kokontra sa hakbang ay prayoridad nila ang kaligtasan ng mga mag-aaral.