Default Thumbnail

10 bahay, wasak sa ipo-ipo sa Zambo del Sur

June 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 186 views

SAMPUNG kabahayan ang nasira sa pananalasa ng ipo-ipo sa bayan ng Tambulig, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ipo-ipo ay naminsala sa Barangay Balucot, Tambulig.

Umabot sa P300,000 halaga ng kagamitan ang nasira dahil sa lakas ng pananalasa ng ipo-ipo sa naturang lugar.

Isa rin ang naiulat na nasugatan matapos tamaan ng kapirasong kahoy na galing sa kanyang bahay na nawasak.

Bukod sa mga bahay, nasira din ang isang tindahan, isang piggery, at ilang punongkahoy din ang nabuwal.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng clearing operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para magamit ang mga daanang napuno ng kalat dahil sa ipo-ipo.

Pinaalalahanan naman ng local government units (LGUs) ang publiko na mag-ingat at agad na lumikas sa ligtas na lugar sa tuwing may magbabadyang kalamidad.