Ang nadiskubreng bangkay na palutang-lutang sa Manila Bay sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila.
10-anyos naispatan bangkay na lumulutang sa Manila Bay
NATAGPUAN ang palutang-lutang na bangkay ng lalaki sa Manila Bay sa baybayin ng Pier 18 sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Linggo.
Nakilala ang biktima sa pangalang Jeffrey Bon Garcia sa pamamagitan ng kanyang tax identification number (TIN) ID na nakuha sa bulsa niya, ayon sa report.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard sa Vitas Sub Station sa pangunguna ni PO1 Randy Carpio, isang 10-taong gulang na lalaki ang unang nakakita sa biktima.
Nakasuot ng puting t-shirt at blue na maong ang biktima.
Nagresponde ang mga tauhan ng PCG at inahon ang bangkay. Walang nakitang bakas na pinatay ang biktima.