Timbog DROGA–Kinakausap ni Police Lt. Col. Nelson Cortez (kanan) ang isa sa suspek na natimbog dahil sa illegal na aktibidad. Kuha ni Jon Jon Reyes

1 yari sa boga sa Maynila; 2 tiklo sa droga

April 12, 2024 Jonjon Reyes 212 views

KULUNGAN ang kinahantungan ng isang lalaki matapos matimbog ng mga operatiba ng Manila Police District-Malate police station 9 dahil sa pagdadala ng baril na walang lisensya sa Quirino corner Mabini Sts., Malate, Manila noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, ang suspek na si alyas Mark, 39.

Bandang alas-6:05 ng umaga ng masita ang suspek nina Police Master Sergeant Reynaldo Cordova at Police Staff Sergeant Reji Revee Jimena na may bitbit na 9mm na baril.

Samantala, dalawang lalaki na may kinalaman sa ilegal na droga ang natimbog ng mga pulis sa buy bust operation sa Adriatico St., Brgy. 719 Malate, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Chekong, 33, at alyas Bon Bon.

Ayon sa report ni P/Lt. Col. Cortez, bandang alas-11:30 ng gabi naaresto ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 5 sachets ng shabu na tumitimbang ng 3 gramo at may halagang P20,400.

AUTHOR PROFILE