Default Thumbnail

1 sugatan, 36 bahay wasak sa ipo-ipo sa Zambo

August 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 229 views

ISA ang sugatan habang 36 kabahayan ang nasira nang ragasain ng ipo-ipo ang isang barangay sa Zamboanga City.

Sa report ng PNP, naganap sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City and ipo-ipo noong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa ilang residente, isang malaking bilog na kulay itim ang nakita nila sa himpapawid at dumaan sa kanilang barangay.

Tumagal ng halos limang minuto ang ipo-ipo na naging dahilan para masira ang mga kabahayan sa naturang barangay.

Sinabi ni City Social Welfare and Development Officer Socorro Rojas na labis ang pinsalang natamo ng mga bahay dahil sa ipo-ipo.

Humihingi ng tulong ang mga sinalanta ng ipo-ipo tulad ng mga construction materials upang maisaayos ang nasirang bahay.