Timbog Iniharap ni Pat.Benigno B.Galpo (kaliwa) kay P/Maj.Delta Navarra, hepe ng CIDG Manila ang No. 1 most wanted person ng MPD Sta Ana Police Station 6 na si Jhonny Martinez Vinluan, 34,member ng Bahala na Gang, na maaresto sa Baliuag, Bulacan. Kuha ni JON-JON REYES

#1 MWP sa Sta Ana timbog sa Bulacan

October 26, 2021 Francis Naguit 527 views

ARESTADO ang isang lalaki na may kasong murder at attempted murder ng mga operatiba ng CIDG Manila at Warrant and Subpoena Section ng MPD.

Kinilala ang arestadong suspek na si Jhonny Martinez Vinluan, 34,member ng Bahala na Gang,nakatira sa 2046-F Batangas Line St.,San Andres Bukid, Manila.

Ayon sa report ng CIDG Manila at WSS-MPD nagsagawa ng Oplan Pagtutugis at Salikop ang mga operatiba laban sa suspek matapos barilin at mapatay nito ang biktima na si Jasper Nico Jalarilla Manansala at tangkang pagpatay naman sa live in partner ng biktima na si Ana Rolyne Mercado sa 1545 Int.13,Bo. Sta Maria St,.Paco, Manila.noong March 18,2012.

Agad kumilos ang mga operatiba para sa agarang pag-kaka aresto ng suspek matapos na malaman ang pinag tataguan nito sa Bulacan.

Unang sinurvilance ng mga operatiba ang bahay ng suspek bitbit ang warrant of arrest na inisue ni Judge Thelma Bunyi Medina, ng RTC Branch 32 Manila.

Sa pamumuno nina P/Maj.Delta F. Navarra, hepe ng CIDG Manila at PCapt. Alfredo Tan, chief ng WSS-MPD, na nagsagawa ng operation, hinati nila sa dalawang grupo ang kanilang team upang hindi na makatakas pa ang suspek.

Unang pumuwesto sa likod ng bahay ng akusado ang mga operatiba na sina P/Lt.Glen Umali,PEMS Ronald Arga,PSMS Ferdinand Danao,PSSG Carlito Dela Cruz Jr. at Pat.Benigno B.Galpo.

Samanta ang ikalawang grupo naman ng mga operatiba na sina Pat. Estrilito Tolentino,Pat. Justine Cuatrona, Pat. Mark Stephen David, Pat. Ken Villanueva Pat. Jayvee Sumalbog,Pat. Raymond Guinto,Pat. Robert Cu at Pat. Kristine Fae Apolonio ay nag-abang sa harap ng tinutuluyang bahay ng suspek

Hindi na nakapalag ang akusado nang siya ay arestuhin sa kanyang tahanan sa Dulong Bayan 1st Brgy., Sulivan, Baliuag, Bulacan matapos na basahan ito ng kanyang kasong murder with bail recommended at attempted murder na P120, 000 bail recommended.

Ang suspek ay kabilang sa Top 1 Most Wanted Person ng Sta Ana Police Station 6 sa Sta Ana, Manila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE