
π§π¨π£ππ sa mga displaced workers tuloy-tuloy sa Hermosa
HERMOSA, Bataan — Tuloy-tuloy ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, isang community-based package of assistance na isinasagawa ng Pamahalaan ng Hermosa sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton.
βIsinagawa po natin kahapon, ang Orientation para sa mga beneficiaries ng TUPAD sa ating bayan. Ang programang ito ay patuloy nating isinasagawa upang makapagbigay ng tulong sa ating mga Displaced Workers kaugnay sa mga naging epekto sa ekonomiya ng Covid-19 nung mga nakaraang panahon,β pahayag ni Mayor Inton.
βIto ay bunga ng ating pagsisikap, matagal na pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan sa ating mga kaibigan sina Sen. Bong Go, Former Speaker of the House of Representative of the Philippines Lord Allan Velasco, sa pangunguna ng inyong lingkod at Cong. Jett Nisay ng PusongPinoy Partylist na walang sawang tumutulong sa ating Bayan, upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,β sinabi pa ni Mayor Inton.
Ayon sa pilotong mayor, βWalang tigil po ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal upang makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.β
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng bayan ng Hermosa, dagdag pa ni Mayor Inton.