Muslim Source: FB

๐Š๐š๐ซ๐š๐ ๐๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐’๐ก๐š๐ซ๐ขโ€™๐š๐ก ๐œ๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐ข๐ฆ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ฌ

May 21, 2024 Edd Reyes 122 views

MALAPIT ng maging ganap na batas ang isinulong na panukala ni bagong upong Senate Majority Floor leader Francis โ€œTolโ€ Tolentino na pagtatatag ng mga karagdagang Shariโ€™a court sa ibaโ€™t ibang rehiyon ng bansa sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minnadao (BARMM).

Itoโ€™y makaraang makalusot na sa bicameral conference committee nitong Martes ang Senate Bill 2594 ni Tolentino na layuning magtatag ng tatlong karagdagang Shariโ€™a Judicial Districts at 12 Shariโ€™a Circuit Courts sa mga pangunahing rehiyon ng bansa na noon pang Abril inaprobahan sa Senado kayaโ€™t ilang hakbang na lamang para ito maging isa ng batas.

Ang Shariโ€™a courts ay mga hukuman na nakabatay sa batas ng Shariah o batas Islam na karaniwang makikita sa BARMM na may mga Muslim na populasyon at nag-aalok ng mga desisyon sa mga usapin tulad ng pamilya, pananalapi, at moralidad, batay sa prinsipyo ng Islam

Itinuturing na makabuluhan at tagumpay para sa mga ordinaryong Filipino Muslim ang panukalang batas ni Tolentino dahil sa ilalim nito, hindi lang sa mga โ€œspecial courtโ€ magaganap ang paglilitis sa mga kasong kailangang ipatupad ang Batas Islam.

โ€œAng mga Muslim na Filipino ay isang hakbang na ngayon palapit sa pagkakaroon ng access sa katarungan batay sa batas ng Shariโ€™a. Nagtataguyod ito ng patas at pantay na pagtrato sa mga Muslim sa ilalim ng ating pamahalaan,โ€ sabi ni Tolentino.

Layunin din sa panukalang batas ni Tolentino na baguhin ang PD 1083 o ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.

Sa ilalim ng naturang panukalang batas, magtatag ng isang 6th Shariโ€™a Judicial District na may limang Shariโ€™a Circuit Courts sa mga lugar ng Bukidnon, Misamis Oriental at Occidental, Cagayan de Oro, Camiguin, at ang mga lalawigan sa ilalim ng Rehiyon 11 at 12.

Ang iminungkahing 7th Shariโ€™a Judicial District na may tatlong Shariโ€™a Circuit Courts ang mangangasiwa sa mga kaso mula sa Rehiyon 6, 7, at 8. Ang Cordillera Autonomous Region, Rehiyon 1 hanggang 4-A, at ang National Capital Region ay nasa ilalim ng iminungkahing ika-8 Shariโ€™a Judicial District na nakabase sa Lungsod ng Maynila habang ang mga lungsod ng Davao at Cebu ay magkakaroon din ng kanilang mga Shariโ€™a Circuit Courts.

โ€œAng layunin ng pagtataguyod ng inklusibo, walang kinikilingan, mabilis, at de-kalidad na hustisya sa lahat, anoman ang heograpikong lokasyon ng mga tao, ay malapit nang magkatotoo para sa ating mga kapatid na Muslim,โ€ sabi ni Tolentino.

AUTHOR PROFILE